-- Advertisements --

Umaasa si Cooperative-National Confederation of Cooperatives Rep. Felimon Espares na pakinggan ng national goverment ang mungkahi nito na huwag nang i-extend pang muli ang deadline para sa mga rehiyon na naka-90% na sa consolidation ng jeepney operators at drivers.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Espares, sinabit nito na kung patuloy pa na palawigin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang deadline, tiyak na ang unang maapektuhan ay ang mismong jeepney drivers at cooperators na una nang tumalima nang unang nag-set ng deadline ang gobyerno kaugnay sa consolidation.

Aniya, hindi lang minority ang maapektuhan kundi higit 1,000 na accredited transport cooperatives na may higit 200,000 mga myembro.

Iginiit rin nito na kung patuloy na i-grant extension ng deadline, hindi na maniniwala at hindi seseryosohin ng transport industry ang Public Utility Vehicle Modernization Program ng gobyerno.

Napag-alamang alinsunod sa advice ni Transportation Jaime Bautista at sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos, in-extend ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang consolidation ng mga modern jeepneys mula June 30 sa katapusan ng December 2023 bilang pagtugon rin umano sa kalihingan ng transport sector na hindi pa handa sa implementation ng programa.