Nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa gobyerno na masusing imbestigahan ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI), sa pagsasabing ang Chinese mafia na sangkot sa human trafficking ng mga Filipino ay maaaring may mas maraming koneksyon na nagtatrabaho sa loob ng ahensya.
Ayon kay Hontiveros, napabalitang marami na ang natanggal sa trabaho sa ibang bansa, ngunit ang mga Pilipino ay nire-recruit pa rin sa mga scam.
Kasabay nito, nanawagan din si Hontiveros na magkaroon ng overhaul sa ahensya upang matiyak ang proteksyon ng mga Pilipinong umaalis ng ating bansa.
Ipinagpatuloy ng panel ang pagsisiyasat sa naiulat na outbound human trafficking ng mga Filipino na napipilitang magtrabaho bilang cryptocurrency scammers sa Myanmar at Cambodia.
Kaugnay niyan, ipinunto ng senadora na hinimok na niya ang pag-overhaul ng Bureau of Immigration kasunod ng imbestigasyon ng komite sa tinatawag na “pastillas” scam dalawang taon na ang nakararaan, ngunit aniya ay tila walang naganap na pagbabago.
Giit pa ng Senadora, ang Immigration Modernization bill ay dapat ding balikan upang mapahusay ang bisa ng Bureau of Immigration sa pamamagitan ng pagtaas ng salary grade at system updates ng naturang immigration.