-- Advertisements --
Vigan City – Patay na ng makita ang isang menor de edad a di umano’y natamaan ng kidlat sa Sitio Nagsabaran, Brgy. Oaig-daya, Candon City, Ilocos Sur.
Ang biktima ay nakilalang si Jerwin Astrero Agrisola, 14-anyos, estudyante na naninirahan sa nasabing syudad.
Batay sa impormasyon ng Candon City Police Station, madaling araw ng Hulyo 17, 2022 nagpunta sa bukid ang isang Jose del Rosario Galima, 34 taong gulang nang nakita niya ang menor de edad na nakahandusay sa bukid at may flash light sa kanyang tabi a pinaniniwalaang natamaan ng kidlat.
Napag-alaman na noong gabi ng Hulyo 16 ng kasalukuyang taon ay nagpaalam ang binatilyo sa kaniyang tiyahin na kukuha ng palaka ngunit hindi na umano nakabalik dahil sa maulan at hindi magandang panahon.