-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad matapos saksakin ng kaparehas din nitong menor de edad sa Brgy. Hamoraon, Minalabac, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na parehas 15-anyos ang biktima at ang suspek.

Nabatid na residente ng Brgy. Bagoladio, Bula, CamSur ang biktima habang ang suspek naman ay residente ng Brgy. Salingogon, Minalabac, CamSur.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente, habang nasa ilalim naman ng kustodiya ng Children in Conflict with the Law (CICL) ang naturang suspek.