-- Advertisements --

CAUAYAN CITY -Pinaghahandaan na ng isang Midwife ang second dose ng Sinovac na ituturok sa kanya matapos matagumpay na mabakunahan ng unang dose ng bakuna.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Midwife Abigail Albano, nakatalaga sa Bahay Silangan sa Cauayan City at isa sa mga naunang nabakunahan, sinabi niya na medyo naging excited siya dahil sa wakas ay mababakunahan na siya laban sa nakamamatay na virus.

Sinabi pa niya na naging maayos naman ang kanyang kalagayan matapos mabakunahan ng Sinovac Vaccine.

Ayon sa kanya kahit hindi pa dumating sa bansa ang bakuna ay alam na niya sa sarili na isa siya sa mga mababakunahan kapag dumating ang bakuna na kanya namang pinaghandaan.

Sa halip na matakot ay nangibabaw sa kanya ang tuwa at excitement na mabakunahan kontra COVID-19.

Inihayag pa ni Midwife Abigail Albano na mas confident na siyang mag-asikaso sa mga pasyente dahil alam niyang hindi na siya mahahawaan ng virus.

Sa ngayon anya ay pinaghahanda na rin niya ang pagbakuna sa kanya ng second dose ng Sinovac Vaccines.

Lahat anya silang mga health workers na tumanggap ng bakuna ay nasa mabuting kalagayan kayat hinikayat niya ang publiko na suportahan ang vaccination program ng pamahalaan.

Huwag anyang matakot ang publiko sa bakuna dahil ito ang sagot para malabanan ang COVID-9 virus