-- Advertisements --
image 216

Inanunsyo ni Pampanga Governor Dennis Pineda na magbibigay ng P1 million na pabuya para sa magkapagbibigay ng impormasyon upang mahuli ang suspek sa pamamaril sa provincial legal officer na si Atty. Gerome Tubig.

Binigyaang diin ng gobernador na kinokondena niya ang tahasang pamamaril kay Tubig na nagtamo ng sugat sa tama ng baril at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Ayon pa sa Gobernador, kasalukuyan pang ina alam ng pulisya ang motibo sa ginawang pamamaril at patuloy naman ang ikinakasang operasyon upang mahuli ang suspek.

Una na rito, nangyari umano ang nasabing tangkang pagpaslang banda alas 7:30 ng umaga sa harap ng isang ospital sa Barangay Sto. Rosario, San Fernando City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, pagdating umano ni Tubig sa parking area malapit sa ospital ay saka naman dumaan ang riding in tandem na nakasuot ng helmet at saka ito pinagbabaril.

Agad naman na narespondehan ang legal officer at naidala sa ospital.