-- Advertisements --

Naobserbahan ang phreatic eruption sa Bulkang taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagtagal ito ng isang minuto.

Na-monitor din ang mahinang pagsingaw mula sa bulkan na umabot ng hanggang 600 meters at napadpad sa hilangang silangang direksiyon habang nagbuga din ang bulkan ng 5,095 na tonelada ng asupre noong Agosto 8 at upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa.

Naitala din ang isang volcanic earthquake mula sa Taal.

Sa kabila ng panibagong aktibidad ng bulkan, nananatili pa ring nakataas ang Alert level 1 o low-level unrest sa Taal kayat pinapaalalahanan ang publiko na bawal ang pagpasok sa Taal volcano island at permanent danger zone lalo na sa bisinidad ng main crater at Daang kastila fissure gayundin ang pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.