-- Advertisements --

TACLOBAN CITY- Patay ang isang myembro ng New People’s Army matapos maka-engkwento ang mga militar sa Brgy. Senonogan de Tubang, Silvino Lubos, Northern Samar.

Ayon kay 2nd Lieutenant Jerico David ngan CMO officer 19th infantry batallion Philippine Army, tumagal ang engkwentro ng 20 minutos at nagresulta ng pagkakapatay sa isang miyembro ng nasabing rebeldeng grupo.

Narekober naman sa nasabing lugar an isang M16 riffle at iba pang mga gamit gaya ng: granada, back packs, cellphone at ilang mga dokumento.

Mapapag-alaman na resulta ito sa ginawang operasyon ng 19th infantry batallion Phillipine Army.

Wala namang namatay at nasugatan sa mga militar sa nangyaring engkwentro.