-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Palaging updated ang Embahada ng Pilipinas sa Israel sa mga kaganapan sa nasabing bansa.

Ito ang isiniwalat ni Trooper Mariano, Bombo International Correspondent sa Israel.

Ngunit ng tanungin tungkol sa rocket attack na tumama sa Al-Ahl Baptish Hospital sa Gaza, inihayag nito na ang Hamas militants ang umano ang gumawa nito matapos nagkaroon umano ng pagpalpak ng kanilang rocket kaya ito ay tumama sa nasabing ospital.

Idinagdag din niya na hindi rin totoo na higit sa 500 katao ang nasawi sa naturang missile strike, dahil mayroon lamang umanong mahigit sa 200 ang casualty.

Inaasahan ng Israel na gagawa ng kahilingan ang Hamas bilang kapalit sa kanilang mga hostages na magkaiba ang nationality.

Sa ngayon ay maganda pa rin naman aniya ang suplay ng kanilang pagkain at buo pa rin ang kanilang tiwala sa Israeli government sa pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas ngunit kung lumala pa ang sitwasyon ay aminado rin ito na lilisanin niya ang Israel at umuwi na lamang ng Pilipinas.