Nagbitiw na sa puwesta ang superintendent ng New Bilibid Prison na si Angelina Bautista nang dahil sa mga umano’y walang basehang mga akusasyong ipinupukol laban sa kaniya.
Sa isang pahayag ay inanunsyo ng pamunuan ng BuCor na epektibo mula Agosto 11 ay inihain na ni Bautista ang kanyang irrevocable resignation bilang Executive Assistant IV ng Office of the Director General.
Ito anila ay sa kadahilanang hindi na komportable ang dating opisyal sa kaniyang pagtatrabaho nang dahil sa mga kontrobersiya at walang basehang mga akusasyong ipinupukol laban sa kaniya.
Ngunit sa kabila nito ay binigyang-diin ni Bautista sa kaniyang resignation letter na ang kaniyang pagbibitiw ay nangangahulugang inaamin o inaako niya ang mga malisyosong isyung ibinabato sa kaniya sa kabila ng ilang taon niyang serbisyo.
Kaugnay nito ay nagpahayag pa rin naman ng pasasalamat si Bautista ay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. sa pagtanggap sa kaniyang pagbibitiw.
Kung maaalala, una nang sinibak si Bautista sa kanyang puwesto kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan hinggil sa iba’t-ibang usapin na kinwestyon ng mga mambabatas sa ginanap na House Committee on Public Order and Safety heraing.
Ang naturang pagdinig ay kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng mga mambabatas sa pagkawala ng bilanggong si Michael Cataroja sa Bilibid.
Bukod dito ay iniuugnay din si Bautista sa umano’y construction business sa loob ng nasabing correctional facility, bagay na mariin din niyang pinabulaanan.