DAVAO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang clearing operation sa Oregon Integrated School sa Brgy. Oregon, Governor Generoso, Davao Oriental matapos na bahagya itong matabunan dahil sa nangyaring landslide sa lugar.
Ayon sa Jason Bendulo, head Governor Generoso Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Davao Oriental dahil umano sa nararanasan na mga pag-ulan sa lugar ang dahilan ng paglambot sa lupa at gumuho ito papunta wq paaralan.
Walang naitalang casualty matapos ang nasabing landslide maliban sa mga damyos na naitala sa ilang mga classroom.
Patuloy naman ang panawagan ng Pag-asa Davao sa mga residente na naninirahan sa low lying at landlslide prone areas na mag-doble ingat dahil patuloy pa rin na mararanasan ang mga pag-ulan dulot ng Inter-tropical convergence zone (ITCZ).