DAVAO CITY – Nabulabog ang isang elementary school sa Davao City dahil sa naglipanang impormasyong diumano may bomba na itinapon sa paaralan. Kaagad na dinumog ng mga magulang ang Sta. Ana National Elementary School dahil sa takot.
Samantala, kinumpirma naman ni Lt. Col. Darren Comia, Commander sa Task Force Davao na fake news lamang ang kumalat na impormasyon na may bombang itinapon sa loob ng naturang paaralan. Nagkasa kaagad ng imbestigasyon ang kapulisan at EOD-K9 Unit, kung saan isa-isang pinasok ng mga K9 dogs ang lahat ng silid upang masegurong walang bomba.
Dahil sa nangyari nabulabog ang naturang paaralan kung saan nagsidatiangan ang mga magulang upang makuha ang kanilang mga anak, ito ngay matapos na matanggap ng chat hinggil sa umanong pagsabog sa Sta Ana.
Sa kabilang dako ay nilinaw ng principal ng paaralan na wala hindi nagdeklara ng kanselasyon ng klase dahil normal lamang ang sitwasyon at walang bomba.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng PNP Cyber Group ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake news na posibleng mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1727 o Anti-Bomb Joke Law.
Maalalang nitong nakalipas na gabi ay isang 34 anyos na lalaki ang nagbiro sa security check sa Roxas Night Market na umanoy may bomba sa loob ng kanyang bag kung kaya’t dinakip ito ng kapulisan. Paalala ngayong ng Task Force na wag gawing biro ang hinggil sa bomba dahil may kaakibat itong kaso.