CENTRAL MINDANAO- Ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng 37th Infantry Battalion Philippine Army,603rd Brigade,Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-BARMM) at Maguindanao PNP ang bahay ng isang pamilya na nagtatago ng maraming mga loose firearms sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Guiaman Lumbos, Ali Lumbos, Samsudin Lumbos at Digna Lumbos Dirangaren ,mga residente ng Brgy Langkong Matanog Maguindanao.
Narekober sa loob ng tahanan ng mga suspek ang isang 30 improvised sniper rifle, dalawang M16 assault rifle, isang M14 rifle, Isang M1 carbine rifle, isang M16 armalite rifle na mayroong M203 grenade launcher, Isang granada,mga bala at mga magazines.
Ang mga nahuli sa search warrant na inisyu ng korte ay mga myembro umano ng isang Armed Lawless Group na matagal nang minamanmanan ng mga otoridad.
Nakapiit na ngayon sa lock-up cell ng CIDG-BARMM ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives.