-- Advertisements --

Ibinebenta sa auction sa halagang $50,000 o katumbas ng mahigit P2.5 milyon ang isang pares ng kakaibang sapatos na gawa ng kumpanyang Apple.

Ang custom-made na sapatos ay ginawa para sa mga empleyado ng Apple noong dekada 90 a minsan ng naging one-time giveaway sa conference.

Ito ang unang pagkakataon na maibenta sa publiko ang isang pares ng nasabing sapatos.

Ang kulay puti na sapatos ay may nakalagay na lumang logo ng nasabing kumpanya at ito ay size 10.5 sa US o 41 sa European size.

Mayroong kasama rin ito isang pares na sintas ito na kulay pula bukod pa sa puting sintas na nakakabit.