Kinumpirma ng Ozamiz port ang pagkakaharang ng kanilang mga tauhan sa isang pasahero na may dala ng tuyong dahon ng marijuana na nakasilid sa isang tea box.
Nabunyag ang tangkang pagpuslit ng marijuana matapos na makapulot ang isang tauhan ng Philippine Ports Authority ng isang tea sachet.
Kalaunan ay napag-alamang marijuana ang laman pala nito ay marijuana.
Kasunod nito ay kaagad na nagsagawa ng inspeksyon ang Port Police katuwang ang k9 units ng PCG at PNP sa lahat ng mga bagahe ng mga pasaherong naghihintay sa naturang pantalan.
Batay sa imbestigasyon. positibong kinumpirma ng mga awtoridad na dahon nga ng marijuana ang nasabat sa isang tea box na dala ng nasabing pasahero.
Sa ngayong ay nasa kustodiya na ng PNP ang pasahero at mahaharap ito sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Patuloy naman ang isinasagawang kampanya ng Philippine Ports Authority kontra sa ipinagbabawal na gamot.