CEBU – Arestado ang isang pastor na hinihinalang miyembro ng TABADA Crime Group, ang tinuturong responsable ng gun running activities sa Probinsiya ng Bohol by virtue ng warrant of arrest ng RTC Branch 3 ng Tagbilaran City, Bohol.
Naaresto ang 52 taong gulang na si Pastor Nathaniel Vallente Bernales o ‘Pastor Dodo’ ng United Church of Christ sa Brgy. San Jose, Mabini, Bohol kaninang alas 2:30 ng madaling araw sa pamamagitan ng joint operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-7), Regional Mobile Force Batallion (RMB-7), SPecial Action Force, 47th Infantry Batallion ng Philippine Amy at ng Bohol Police Provincial Office
Nakuha ng mga operatiba ang apat na baril na may mga bala, isang hand grenade at mga dokumento na pagmamay-ari umano sa NPA.
Sa inisyal na impormasyon, active supporter din umano ng New Peoples Army (NPA) Bohol Party Committee ang pastor at kabilang umano ito sa target personalities ng CIDG Bohol Provincial Field Unit Oplan Sumbuhan.
Samantala, kabilang din sa arestado ang tinuturong leader ng Tabada Crime Group at incumbent Barangay Kagawad ng Brgy. Poblacion Trinidad Bohol.
Kinilala ng otoridad ang kagawad na si Camillo Tabada alyas ‘Eloy/Asyed/Emil, 51 taong gulang at residente ng Purok 2 Poblacion Trinidad Bohol at aktibong supporter umano ng NPA Bohol Party Committee.
Nakuha mula nito ang subersibong dokumento at mga baril at kabilang din sa mga target personalities ng CIDG Bohol Provincial Field Unit Oplan Sumbuhan.