-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang pedicab driver matapos itong pagtatagain sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Noel Telar Pines, 49 na taong gulang, residente ng Brgy. Cawayan 2, ng nabanggit na bayan.

Kinilala na man ang mga suspek na sina alyas Aquilino at Dennis, parehong nasa wastong edad, parehong residente ng Brgy. Inabuan ng nabanggit na bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, bandang alas-4 ng hapon aniya habang pauwi na ang biktima sakay ng kanyang pedicab nang bigla na lamang dumating ang mga suspek at pinagtataga ito kung saan tinamaan ito sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon sa kapulisan ng San Francisco Municipal Police Station, agad nilang dinala ang biktima sa isang ospital ngunit idineklara rin lang itong dead on arrival ng doktor.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng follow-up operations ang San Francisco Municipal Police Station upang mahuli ang mga suspek.