-- Advertisements --

Nagsagawa ng candle light vigil para sa isang Pilipino at sampu pang nasawi sa Monterey Park mass shooting, isang taon matapos mangyari ang insidente, sa Los Angeles, United States of America.

Ginunita ang ala-ala ng 11 na biktima, kabilang ang 68 anyos na Filipino-American na si Valentino Alvero, sa Monterey Park City Hall.

Dumalo at naki-simpatya US President Joe Biden sa pamilya ng mga biktima.

Inanunsyo rin ni Biden ang mga hakbang ng ehekutibo sa paglaban sa gun violence at pagsusulong ng gun control sa Estados Unidos.

Nangyari ang mass shooting, Enero 21 noong nakaraang taon, matapos pagbabarilin ng gunman na si Huu Can Tran ang mga tao sa Star Dance Studio.

Kinitil din niya ang sariling buhay pagtapos ng insidente.