-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Ikinalungkot ng maramiihang OFW sa Kuwait ang balitang mayroong isang 45-anyos na Pinay worker ang nagpakamatay matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019.
Ito ang naging pag-uulat ni Bombo international correspondent Mae Ortiz mula sa bansang Kuwait at tubong Sarangani province sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Aniya, hindi raw nito nakayanan ang depresyon sa pagtanggap na ito ay infected sa nasabing sakit dahilan kaya tinapos umano nito ang kanyang sariling buhay.
Nakita na lamang umano ang nasabing Pinay sa isang comfort room sa isang pagamutan sa nasabing bansa.
Sa kabila ng pangyayari, patuloy at mas hinigpitan pa ng mga OFWs ang pagtulong tulong sa isa’t isa doon.