-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY -May isang salita umano si US President-elect Donald Trump na isagawa ang mass deportation campaign sa mga undocumented immigrants.

Ayon kay Bombo International Correspondent Luisa Milone sa New Jersey, sa tingin niya ay tutuparin talaga ni Trump ang pangako nito noon sa kanyang mga kampaniya kung saan ito ang malakihang deportation effort sa kasaysayan ng Amerika.

Sa katunayan noong nakaarang araw nang kumpirmahin ni Trump na magdedeklara ito ng national emergency at gagamit ng military asset para isagawa ang nasabing hakbang.

Ayon kay Milone, sa Biden administration marami umanong undocumented immigrants.

Nabatid na nasa 250,000 hanggang 300,000 Pilipino ang undocumented umano sa kasalukuyan sa Amerika na karamihan ay Pinoy workers doon.

Ang mga ito ay pinayuhan na ng Philippine Ambassy sa US na boluntaryong umaalis o simulan ng i-proseso ang kanilang mga dokumento para magkaroon ng legal status bago pa man umupo sa White House si Trump.

Kaugnay nito, nagpayo si Milone sa mga nais na makapunta ng US na dumaan sa tama at mga legal na proseso.

Aniya, sakali kasi na mahuli ang isang undocumented immigrants ay agad na sasailalim sa documentation at ipapadeport sa pinanggaling bansa at maging ban ito sa US ng 10 taon.