-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Matapos makapagpahinga sa Cairo Egypt gusto na kaagad babalik sa kanyang trabaho si Reggie Esguera, isa sa Pinoy na nagtrabaho sa Italian-based MSF o Medecins Sans Frontières Doctors Without Borders na nakalabas sa Gaza.

Ayon sa kanyang stepmother na si Herminia Esguera na magpahinga lamang sandali si Reggie at sasabak na ulit ito sa trabaho para tulungan ang mga tao na apektado sa labanan ng Israel at militanteng Hamas.

Nilinaw din ni Herminia na hindi doktor ang kanyang stepson kundi isang nurse na noon pa man gusto na talaga na magtrabaho at suungin ang delikadong sitwasyon kagaya sa Gaza.

Nagdaang buwan ng Setyembre nagbakasyon ito sa kanyang lugar sa Malungon, Sarangani Province at sinabihan ang kanyang Ama at stepmother na magbakasyon sa Israel subalit hindi ito natupad dahil sa kaguluhan sa lugar.

Nalaman na nakapag-asawa si Esguera sa isang Italian na konektado rin sa Medecins Sans Frontières Doctors Without Borders at nabiyayaan ng isang anak.

Dagdag pa na apat silang magkakapatid at lahat ay mga nurse na nagtrabaho sa iba’t ibang bansa.