Naisalba ng personnel mula sa US Coast Guard at Navy ang isang Pilipinong seaferer na nakitaan ng mga sintomas ng stroke sa may karagatan ng Saipan nitong unang bahagi ng buwan ng Pebrero.
Ayon sa US Coast Guard Joint Rescue Sub-center sa Guam, nakatanggap sila ng medical evacuation request mula sa isang barko na Antwerpen Express noong Pebrero 9, 2024 habang naglalayag sila sa 550 nautical miles hilagang-silangan ng Saipan.
Agad na nirespondehan ng US personnel ang naturang 37 anyos na Pinoy seaferer na hindi na tinukoy at dinala sakay ng Helicopter Sea Combat Squadron 25 MH-60S Knighthawk ng US Navy patungo sa Naval Hospital saka ito inilipat sa Memorial Hospital sa Guam kung saan kasalukuyan siyang inoobserbahan ng medical professionals.
Ang barkong kinalululanan ng Pinoy seaferer ay isang 1,202 foot Germany-flaged container ship.
Ang nasabing global shipping industry ay nagsasagawa ng 80% ng international trade kung saan 1.2 million seaferers na karamihan ay mula sa Pilipinas ang kanilang crew.