-- Advertisements --

Kasalukuyan wanted ang isang Pinoy sa Hawaii may kaugnayan sa kasong second-degree theft.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanap ng Honolulu police personnel sa supek na natukoy na si Dylan Tolentino kasunod ng inisyung ng korte na arrest warrant laban sa kaniya.

Isinasangkot si Tolentino kasama ang isa pang suspek sa pagnanakaw umano ng halagang $25,000 sa isang Target store sa Kapolei, Honolulu.

Ayon sa records ng Honolulu Police, nauna ng na-convict sa 4 na kaso si Tolentino at pinaniniwalaang nagtatago sa Waipahu area.

Umapela na rin ang mga awtoridad doon sa Honolulu na agad i-report kapag may nalalamang impormasyon sa kinaroroonan ng suspek.