-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mas bumagsak pa ngayon ang puwersa ng New People’s Army sa lalawigan ng Agusan Del Sur matapos sumuko ang isang platoon na kinabibilangan ng isang lider at mga miyembro nito sa Brgy Zamora, sa bayan ng Talacogon.

Ayon kay Lt Col Sandy Majarocon, commanding officer ng 26th Infantry Battalion, Philippine Army, dahil sa kolaborasyon ng mga lideres ng Indigenous People, mga dating rebelde, mga pamilya, Local Government Units at walang humpay na military operations, nakumbinsi ng sumuko sina Badong Gumansel Lipanda alyas “Reymund”, kumander ng Platoon Banglas, Sub-Regional Committee 3, North Central Mindanao Regional Committee at mga tauhan nito.

Bitbit sa kanilang pagsuko ang tatlong mga high-powered firearms na kinabibilangan ng isang M16 rifle, dalawang Garand rifles, isang shotgun, at dalawang kalibre 45 na pistola pati na mga magazines nito at mga bala.

Isina-ilalim na sila sa medical check-ups, assessments, documentation, at counseling bilang paghahanda sa kanilang enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program.