-- Advertisements --

Inilunsad ng ilang mga dating government officials ang isang pro Con-con (Constitutional Convention) group sa Quezon City.

Ito ay pinangunahan ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chief Greco Belgica at tinawag na Pilipino Tayo Movement (PTM).

Itinutulak ng grupo ang pagkakaroon ng Constitutional convention (Con-con) para amiyendahan ang 1987 Philippine Constitution.

Ayon kay Belgica, halos wala nang kapangyarihan ang 1987 constitution para tugunan ang mga pang-aabuso at kurapsyong nangyayari sa pamahalaan.

Dahil dito, kailangan na aniya na magkaroon ng Con-con para ma-amyendahan ang saligang batas at mabigyan ito ng mas malawak pang kapangyarihan.

Batay sa rekomendasyon ng grupo, maaari itong buuin ng mga mataas na political at business personalities sa bansa, kasama na ang mga dating nagsilbing presidente.

Ilan sa mga inirekomendang bubuo dito ay sina former president Rodrigo Duterte, Gloria Macapagal Arroyo at Joseph Estrada; businessman Ramon Ang; first lady Liza Araneta-Marcos; dating vice president Leni Robredo; dating associate justice Antonio Carpio; at former Senate president at kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.