Nababahala si Senadora Nancy Binay sa isang proyekto ng Department of Transportation (DOTr), ang Manila Area Control Center (MACC), na aniya ay hindi nagamit sa nakalipas na 10 taon.
Sinabi ni DOTr Undersecretary Roberto Cecilio Lim kay Binay na ang MACC, na nakuha noong 2005 o 2006, ay hindi naging fully operational dahil napalitan ito ng mas bagong kagamitan.
Dagdag pa rito, sinabi niya na ang MACC ay may mga isyu sa accuracy at reliability.
Sinabi ni Lim na sinusuri ng DOTr ang mutual termination ng kontrata sa vendor dahil laos na at wala nang kinalaman ang MACC.
Samantala, Kinwestiyon din ni Binay ang status ng Land Transportation Management System.
Sinabi ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza na nagawa na ng ahensya ang halos 100 porsiyento ng drivers’ license sa ilalim ng bagong sistema at mahigit 90 porsiyento ng renewal ng motorcycle registration.