-- Advertisements --

DAVAO CITY – Desidido ngayon ang isang pulis na sampahan ng reklamo ang kanyang asawa na kanyang naaktohan na katabi sa kama ang isa pang pulis sa kasagsagan mismo ng Valentines Day kahapon.

Sinasabing nanlumo ang nasabing pulis ng maabutan niya ang kanyang misis na si Jackie Mahusay, 29 anyos at pulis na si alyas Rubin, 28 anyos sa kanilang bahay sa Brgy. Alejal, Carmen, Davao del Norte.

Nabatid na umuwi sa kanilang bahay mula sa kanyang duty ang 34-anyos na biktima na isa ring pulis ito ay para surpresahin sana ang kanyang asawa sa valentines day ngunit iba ang nadatnan nito sa kama mismo ng kanilang bahay.

Dahil sa kanyang galit, nanghingi ito ng police assistance at pinahuli ang misis at ang pulis na kasama nito.

Parehong mahaharap sa kasong adultery ang dalawa na nakakulong ngayon sa Carmen Municipal Police Station.