-- Advertisements --

VIGAN CITY – Ibinahagi sa Bombo Radyo Philippines ang ginawang pagrescue ng isa sa mga sumagip sa mga pasahero ng nasusunog na fast craft vessel sa Real, Quezon kung saan karamihan sa kanilang na rescue ay nalapnos ang balat at nalunod.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Vigan mula sa isang rescuer sa nasabing trahedya na si Eduardo Estoche, alas syete o alas otso umano ng umaga nang silay pumapalaot sa baybaying sakop ng Real, Quezon nang nakasalubong nila ang isang mercraft na umuusok.

Aniya, agad umanong sinabihan nila ang kapitan ng kanilang barko upang lapitan at tignan kung ano ang nangyayari.

Malaki na ang apoy nang sila ay humantong malapit sa nasusunog na barko kung kaya’t agad nilang inihanda ang kanilang equipment sa pagre-rescue gaya ng mga hydrant, life jacket at spray.

Hindi na aniya nila nakayanan na apulain ang apuy dahil sa lakas nito kaya nagpokus na lamang sila sa pagliligtas sa mga nasa tubig na karamihan sa mga ito ay wala pa umanong life jacket.

Dagdagpa ni Estoche na karamihan sa mga pasahero ay nagtamo ng sugat dahil sa sunog at karamihan sa mga namatay ay nalunod.

Taong 2017 nang makapag-rescue na naman sila sa ganitong pangyayari na ang barko a kanilang ni-rescue ay kapareho rin ng kompanya ng barkong nasunog sa may bahagi ng Real, Quezon.