-- Advertisements --

DAVAO CITY – Narekober na ang isang residente na natabunan sa rumaragasang putik kahapon sa Purok 21 at 22 sa Diwalwal, Monkayo, Davao de Oro.

Nakilala ang biktima na si Rizalda Matambonoy, 70 anyos, matapos ang isinagawang search and retrieval operation kanina.

Una ng sinabi ni Alicia Cabunoc, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) officer na posibleng madagdanan pa ang bilang ng mga namatay matapos na may residente na nanatiling missing.

Hindi agad nakaalis ang ilang mga residente sa lugar matapos na biglaan ang pagragasa ng putik.

Una ng inihayag ni MDRRMO na posibleng lumambot ang lupa matapos ang sunod-sunod na mga pag-ulan na dulot ng Bagyong Auring sa nakaraang linggo.

Nabatid na pinayuhan na ang mga residente sa Mt. Diwalwal na lumikas dahil delikado ang nasabing lugar sa landslide.

Una ng sinabi ng Mines and Geosciences Bureau na malalagay sa delikado ang sitwasyon ng mga residente sa lugar lalo na at pagmimina ang hanapbuhay ng mga ito.