-- Advertisements --

DAVAO CITY – Laking gulat ng mga tao, malapit sa isang condominum sa Ecoland sa lungsod ng Dabaw matapos sumabog ang isang sasakyan bandang alas-10 kaninang umaga.

Dahil sa nangyari, mabilis itong kinordon ng mga pulis para sa isingawang imbestigasyon.

Nakita mula sa CCTV footage, ang dalawang indibidwal na lumapit sa nasanbing sasakyan at may ipinasok dito , kung saan wala pang limang minuto, sumabog ang nasabing sasakyan, Napag-alaman na pag-mamay-ari ni Atty. magulta ang sasakyanng HONDA CRV na nakaparada sa labas ng bilding.

Ayon sa pahayag ni PCol. Alberto Lupaz, City director ng Davao City Police office , pagbabanta lamang ang ginawa ng mga suspek sa sasakyan na nakaparada labas sa isang condo.

Dagdag pa ng opisyal , pagbabanta lamang ito at hindi dahil sa terrorismo ang ginawa ng mga suspek.

Inamin din ni Atty. Magulta na nakatanggap na ito ng pagbabanta sa kanyang buhay dahil sa kanyang trabaho lalo na sa mga kasong hinawakan niya sa region 12.
.
Umaasa na lamang si Lupaz na maging ma-ingat at mahing responsable ang lahat ng mamamayan , lalo na sa pag-post sa social media upang hindi makalikha ng pagkablisa sa publiko.