LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Major Joseph Tayaban, ang chief of police sa bayan ng Badoc na isang babai a namatay matapos malunod sa kasagsaganan ng Bagyo Egay.
Kinilala ni Tayaban ang biktima na si Katrine Grace Fagaragang, 31-anyos, isang special child at residente sa Barangay Madupayas sa nasabing bayan.
Base sa kanilang imbestigasyon, lumikas ang biktima at kanyang ina sa bahay ng kanyang lola dahil inabot ng tubig-baha ang kanilang bahay.
Ngunit habang natutulog ang mga ito ay bumalik umano ang biktima sa kanilang bahay kahit malaks ang ulan at hangin, at nang bumaba na ang lebel ng tubig na nakita ang bangkay nito, walo hanggang sampung metro ang layo mula sa kanilang bahay.
Samantala, sa bayan naman ng Bacarra ay isa nang bangkay nang makita kaninang umaga ang naiulat na nawalawa sa Barangay Cabaroan na si Eugenio Yanos Sr., 71-anyos kung saan nakita ito sa Barangay Natban sa nasabi ring bayan.
Ayon kay Barangay Secretary May Rose Jovellano, umaga noong Hulyo 26 ay inilikas ng mga rescuers ang pamilysa sa Sitio Nagtupacan ngunit lumalabas na pinauna ng biktima ang kanyang ibang miyembro ng pamilya.
Nabatid na inayos umano ng biktima ang kanilang kagamitan sa bahay at inakala ng kanyang pamilya na sumunod ito sa kanila ngunit simula kahapon ay hindi na nila mahanap.
Dagdag nito na nang tangayin ng tubig ang kanilang bahay at nasama rito ang biktima.