-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang senior citizeng matapos sa nangyaring sunog bandang alas-onse ng gabi sa Champaca Street, Elrio Phase 1, Brgy 19-B, Davao City.
Base sa report galing sa pulisya, kinilala ang biktima na si Rodolfo Barbosa Melendres 81-anyos, nakitira sa isang kubo.

Ayos sa nakasaksi na kinilalang si Freddie Soliva 43-anyos, isang trabahador, nakita niya ang pagkasunog sa barong-barong na tinitirhan ng biktima dahilang upang tumawag ito sa mga kapitbahay para humingi ng tabang.

Mabilis narespondehan ang sunog hanggang idineklara itong fire out alas 12:15 ng madaling araw.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na ang sanhi ng sunog ay isang kandila na nahulog, dahilan na sumiklab ang apoy sa kubo na gawa sa light materials.

Kasulukuyang, ang bangkay ng biktima ay nasa Angel funeral homes sa Torres Street, nitong lungsod. Samantala, nananawagan ngayon ang pulisya sa mga kaanak ng biktima na kunin ang bangkay ito dahil nagpaalamang mag-isa lamang ito nakatira sa kubo.