-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $2,800 o katumbas ng mahigit P140,000 ang kakaibang 77-anyos na slice ng cake na inihain noon sa kasal nina Queen Elizabeth II at Prince Philips.
Ang nasabing cake na hindi na maaring kainin ay umabot na ng walong dekada mula sa araw ng kasal noong Nobyembre 20, 1947.
Ayon sa Reeman Dansie auction house na ito ay nakalagay pa sa maliit na kahon na mayroong silver insignia ni Princess Elizabeth.
Ang kahon ay ligtas na nakatago at ipinadala mula Buckingham Palace sa Marion Polson, ang housekeeper sa Holyrood House sa Edinbugh, Scotland bilang regalo mula sa royal couple.