DAVAO CITY – Inireklamo ng kanyang kainuman ang isang aktibong sundalo matapos na manutok ng baril sa isang tindahan. Sa report sa pulisya naganap ang insidente alas 2: 30 ng madaling araw sa Purok Crossing, Barangay Tagakpan, Davao City.
Nakilala ang isang sundalo na si PFC Rondell Hallazgo 27-anyos at risidente ng Bangkas Hill, Purok 4, Brgy.Mulig, Toril, nitong lungsod.
Ayon sa imbistigasyon, niyaya ng suspek ang dalawang complainant na mag-inuman sa isang tindahan na kung saan una na itong nakatambay, nang malasing pinilit umano ang dalawa na sila Frederick Catigan at Adrian Alivio na doon matulog sa kanyang bahay ngunit pinigilan umano ito na kanya namang ikinagalit at humantong sa pagpaputok ng kanyang baril.
Nabulabog ang mga residente sa nangyari at agad itong isinumbong sa mga pulis na nagkataon na nasa Brgy.Hall at inaresto ang sundalong nagwala dahil sa kalasingan.
Agad na kinumpiska ang baril ng sundalo na .45 pistol na may limang bala. Napag-alaman na walang mga papeles ang kanyang dalang pistola dahilan upang maharap ito sa kasong paglabag sa RA 10591 o paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition, maliban sa reklamong grave threat na kaso na kakaharapin.
Sa ngayon nakakulong na ang nasabing sundalo na nakadestino sa 11th Division sa 35th Infantry Battalion Philippine Army.