-- Advertisements --


CENTRAL MINDANAO-Nasawi ang isang sundalo at dalawa ang sugatan sa pamamaril ng mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Private First Class (PFC) Jorey Abibas at sugatan si PFC Jonathan Nacion,pawang mga kasapi ng 23rd Mechanized Company ng Philippine Army.

Tinamaan naman ng mga ligaw na bala ang isang sibilyan na si Asidza Bayao.

Ayon kay 601st Brigade Commander Bregadier General Oriel Pangcog na nagpapatrolya ang dalawang sundalo sa Barangay Libutan Mamasapano Maguindanao Del Sur nang pagbabarilin ito ng grupo ni Kumander Tong Aban Amang na sakay ng isang mini van gamit ang M16 armalite rifles.

Nakaganti pa ng putok ang mga sundalo sa papatakas na mga rebelde nga mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighjters (BIFF).

Agad dinala sa pagamutan ang dalawang sundalo at isang sibilyan na tinamaan ng mga ligaw na bala ngunit hindi na umabot ng buhay si PFC Adibas matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

Malaki naman ang paniniwala ni Maguindanao Police Provincial Director Colonel Roel Sermese na posibling paghihiganti ang ginawa ng BIFF dahil sa pagkasawi ni Kumander Boy Jacket sa Tacurong City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng Joint Task Force Central laban sa grupo ni Kumander Amang sa bayan ng Mamasapano.