Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ngayong araw na kabilang sa 21 sundalo ng Israeli defense Forces na napatay sa malawakang pambobomba sa Gaza ngayong linggo ang isang sundalong Pilipino.
Kinilala ang nasawing sundalo na si Sergeant Fisrt Class Cydrick Garin. Parehong Pilipino ang kaniyang mga magulang kung saan ang kaniyang ina ay naninirahan sa Tel Aviv, Israel habang ang kaniyang ama naman ay naghahandan bumiyahe patungong Israel.
Nagpaabit naman ang embahada at Filipino community sa Israel ng pakikidalamhati sa pamilyang naulila ni Sgt. Garin at nag-alay ng panalangin para sa katatagan, kapayapaan at comfort ng lahat ng kaniyang naulila.
Una rito, noong araw ng Lunes, nawalan ng malaking bilang ang kanilang kasundaluhan sa loob lamang ng isang araw matapos masawi sa ground operations sa Gaza.
Kung saan 21 mula sa 24 troops ng Israel ang nasawi na pawang mga reservist nang sorpresang atakehin sila ng squad ng mga terorista.