DAVAO CITY – Matagumpay na nakauwi na sa Tagum City ang isang OFW na naipit sa bakbakan sa Sudan, ito’y dahil sa tulong ng Department of Migrant Worker. Isa si chef cook Jomel Mallari na tubong Tagum City, Davao Del Norte, ang kasama sa mga OFW na nakauwi na sa bansa.
Ayon kay Mallari, hindi basta-basta ang naging karanasan niya sa Sudan at mapa hanggang ngayon ay nagugunita niya parin ang kaliwa’t kanan na bakbakan ng dalawang armed group noong panahon na kasama siya sa mga naipit sa gyera. Kung kaya’t nanumpa na umano siya na hindi na mangingibang bansa pa.
Kapagka aniya matanggap niya na ang ayuda mula sa pamahalaan ay gagamitin niya na itong pangpuhuman para sa pagsisimula ng negosyo.
Ayon kay OWWA XI Regional Director Rey Laya may matatanggap na ayudad ang mga repatriated OFW at hinihintay pa nila na matanggap ang dokumento mula sa DMW headquarter para sa financial assistance.