Arestado ang isang teenager matapos salakayin ang isang Guro gamit ang isang kutsilyo. Pumasok ang suspek sa isang junior high school sa Saitama Prefecture malapit sa Tokyo at inatake ang Guro na nagtangkang pigilan siyang pumasok sa isang silid-aralan, ayon sa pulisya.
Ang 17-taong-gulang ay pinasuko ng mga guro sa pinangyarihan at naaresto dahil sa hinalang tangkang pagpatay. Binanggit ng Pulisya na ang sinabi ng suspek na gusto aniya niotng pumatay ng kahit na sino.
Wala naman nasaktan na mga mag-aaral ng Misasa Junior High School sa Toda nang lumabas sila sa silid-aralan kung saan kumukuha sila ng pagsusulit.
Ang suspek, ay isang high school student mula sa kalapit na lungsod ng Saitama.
Ipinahiwatig din niya ang kanyang pagkakasangkot sa kamakailang sunud-sunod na patay, at pinutol na mga pusa na natagpuan sa lungsod.
Sinabi ng pulisya na tinangka ng binatilyo na pumasok sa silid-aralan at nakipag-agawan sa isang 60-taong-gulang na guro. Ilang beses niyang nilaslas ang itaas na bahagi ng katawan ng guro.
Kaugnay nito, pinaigting ng mga paaralan sa Japan ang mga hakbang sa kaligtasan matapos ang insidente.