BAGUIO CITY – Nahuli ang dalawang empleyado ng isang botika sa Upper Mabini, Baguio City matapos magnakaw ng mga beauty products sa pinagtratrabahuhan nilang botika.
Nakilala ang mga ito na sina Zaldy Catahan, 19-anyos, isang transgender, sales clerk at residente ng Upper Quezon Hill Baguio City at si Meriam Navarro, 31- anyos, may asawa, beauty consultant at residente ng Bayan Park, Aurora Hill, Baguio City.
Habang nakilala naman ang biktima na si Renato Castañares, 33- anyos, binata, supervisor ng botika, at residente ng Lower Cabinet Hill, Baguio City
Ayon sa kapulisan, habang nagsasagawa ng inspeksiyon ang guwardia ng botika ay napag-alamang ipinuslit ng mga suspek ang ibat-ibang produkto ng botikang pinangsisilbihan nila.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong piraso ng liquid lipstick at dalawang piraso ng cheek and lip tint na may kabuoang halaga na P845
Nang tanungin ng guardia at supervisor ng botika ang resibo ng mga beauty products ay wala naipakita ang mga suspek.
Dahil dito, isinumbong ng supervisor ng botika ang mga suspek sa kapulisan dahilan upang mahuli ang mga suspek.