-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Handa ang Cooperative Alliance for Modernized Transport Business Industry Corporation na saluhin ang mga commuters na maaapektuhan ng tatlong araw na transport strike na ikinakasa ng grupong Manibela na magsisimula ngayong araw ng Lunes, Hunyo 10.

Ayon sa tagapagsalita ng kooperatiba na si Louie Tabios, ang mga ikinakasa na transport strike ay labag sa panuntunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil ang aplikasyon ng sector ng transportasyon ay para maselbihan ang mga mananakay.

Inaasahan aniya na hindi maparalisa ang transportasyon sa loob ng tatlong araw dahil halos 80 porsyento na ang mga nagpaconsolidate na unang phase para sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Tabios na mali ang panawagan ng Manibela president Mar Valbuena dahil ayaw talaga nito at walang balak na magpasailalim sa consolidation.

Tiniyak ni Tabios na inde kukulangin ang mga behikulo sa loob ng tatlong araw na transport stike.

Nabatid na base kay Valbuena ay nasa sa 100,000 ng kanilang mga miyembro ang makikibahagi sa transport strike mula sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region at Cordillera Adminstrative Region.