-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang Unit ng Husky Bus ang nasunog sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na habang binabaybay ng isang unit ng Husky bus ang national highway mula sa Cotabato City patungo sa syudad ng Heneral Santos.

Ngunit pagsapit ng bus sa Brgy. Kurintem Datu Odin Sinsuat Maguindanao ay biglang nagliyab ang likurang bahagi nito.

Agad nakababa ang 24 pasahero kung saan maswerteng walang nasaktan kabilang na ang Driver at konduktor.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP at BFP sa naturang pangyayari.