-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dapat mainspeksyon ang mga sasakyan bago magbiyahe para maiwasan ang aksidente.

Ito ang paalala ni Fire Senior Inspector Ronald Castillo, ang fire marshall dito sa lungsod ng Laoag matapos ang pagkasunog ng isang van habang nasa kalsada sa Brgy. 13 dito sa lungsod.

Inihayag ni Castillo na ang nakikita na nagsimula ang sunog sa van at ang electrical short circuit sa mga kable nito.

Dahil dito, sumiklab umano ang apoy hanggang unti-unti nang nasunog ang buong van.

Nabatid na patungong hilagang direksyon ang van nang masunog ito.

Agad namang tumigil ang van at nakalabas rin ang tatlong nakasakay bago tuluyang masunog ito kung saan naaboy pa ng apoy ang kable ng kuryente.