LAOAG CITY – Itinuturing ni Mrs. Alice Baguitan, 37, negosyante mula sa lalawigan ng Benguet na isa siyang instrumento ng Diyos para maging modelo ng magandang hangarin.
Ito ay matapos nitong isauli ang P2.7 milyon na naiwan ng dalawang babae sa isang fast food chain sa lungsod ng Laoag.
Ayon kay Baguitan, nang makita nito ay agad nitong kinuha at dali-daling nagtungo sa terminal ng bus dahil narinig umano niyang doon papunta ang mga may-ari ng bag.
Bilang ganti umano sa mabuting ipinakita ni Baguitan ay inalok ng dalawang babae ng pera na reward ngunit tinanggihan niya ito dahil parang nagpapabayad na umano siya kung kinuha ang pera.
Maliban dito, sinabi pa ni Baguitan na hindi ito ang unang pagkakataon na nakapulot ng bag na naglalaman ng malaking halaga.
Samantala, marami ang humanga sa ginawa ni Baguitan at agad na pinag-usapan sa social media matapos ang kanyang nagawang kabutihan.