-- Advertisements --
image 150

Nakapagtala ang bulkang Mayon ng isang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras.

Naganap ang naturang pagyanig sa pagitan ng alas 5 ng umaga June 9 hanggang sa kaparehong oras nitong araw June 10.

Batay sa datos, nakapag record din ng aabot sa 59 na rockfall event at kitang kita mismo ang fare crater glow na nangangahulugang nakikita na ang banaag ng naked eye sa gabi.

Ang impormasyon ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology Officer -in- Charge na si Deborah Fernandez.

Bukod dito ay nagtala rin ang bulkan ng pagtaas sa amount ng tinatawag na sulfur dioxide flux kahapon na umabot sa 417 tons.

Sa kabila nito ay sinabi ng mga kinauukulan na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil ito ay below the baseline pa lamang.

Samantala, maghigpit rin na pinagtutuunan ng naturang ahensya ang seismicity ng bulkang mayon at sa mga susunod pang mga araw.

Ipinagbabawal rin ng mga kinauukulan ang pagpasok sa 6-km PDZ upang maiwasan ang anumang masamang pangyayari dulot na nag-aalburutong bulkan.

Top