-- Advertisements --

Isang welder ang inaresto matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Zandro, 36 anyos, residente ng Brgy. Sadsaran, Mauban ng nabanggit na probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, inaresto umano ang suspek matapos makabili dito ang nagpanggap na buyer ng mga awtoridad ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nang magsagawa ng lawful search ang mga awtoridad, nakuha pa dito ang dalawa pang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

May kabuuang bigat umano na 10.80 grams ang lahat ng nakumpiska at nagkakahalaga ng ₱220,000.

Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Sariaya Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.