-- Advertisements --

CEBU CITY-Dismayado si Regional Trial Court (RTC-7) Executive Judge Macaundas Hadjirasul sa nangyaring ambush sa isang high profile lawyer ng Cebu na si Atty. Inocencio Dela Cerna kaninang umaga sa labas mismo ng Cebu City Hall of Justice.

Ayon kay Judge Macaundas na ito na ang ika-4 na beses na may nangyaring shooting kung saan ang biktima ang galing mismo ng Hall of Justice. Mas mabuti pa umanon isara nalang ang Hall of Justice gayong papatayin naman ang mga nanggaling sa korte.

Iginiit pa ng judge na malaking kahihiyan ito hindi lamang sa bansa kundi pati na sa Cebu City dahil ang lugar kung saan hihingan ng taong gustong makakuha ng hustisya ay ginawang ng killing area.

Mas lalo pang ikinadismaya ni Judge Macaundas dahil hindi rin ‘functional’ ang CCTV kung saan nangyari ang krimen.

Kaya nanawagan ito sa pamunuan ng PRO-7 at CCPO na lagyan ng dagdag na police visibility ang Hall of Justice para sa mas mahigpit na seguridad.