-- Advertisements --

GENERAL SANTO CITY – Makikiisa ang Region 12 sa isasagawa na National Simultaneous Earthquake Drill na nakatakda bukas, Marso 9, 2023 sa ganap na 2:00 ng hapon.

Ayon sa tagapagsalita ng Office of the Civil Defense Region XII o OCD 12 na si Jorie Mae Balmediano, kailangang seryosohin ang paglahok sa unang quarter ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Hinihikayat din nito ang lahat na lumahok kabilang ang mga pribadong indibidwal at tanggapan ng gobyerno sa taunang earthquake drills.

Sa kanyang pahayag kailangang maging seryoso dahil delikado ang lindol sapagkat walang nakakaalam kung kailan ito mangyayari.
Nararapat din anya na sundin ang mga protocol sa tuwing magkakaroon ng lindol tulad ng “Duck, Cover, and Hold”, at agad na pumunta sa evacuation area kapag natapos na ang lindol.

Iwasan din ang matataas na gusali at poste ng kuryente kung nasa open area.