-- Advertisements --
Inihahanda na umano ng AFP ang mga kasong isasampa laban kay dating Marawi City Mayor Solitario Ali.
Matatandaang dinakip ng militar si Ali matapos itong dumalo sa political rally ng PDP-Laban sa naturang lungsod kahapon, araw ng Biyernes.
Ayon kay 103rd Infantry Brigade commander, Col. Romeo Brawner, pinaplantsa na ng Office of the Judge Advocate General ang mga kasong ihahain laban kay Ali, na inaakusahang may partisipasyon sa Marawi Siege noong 2017.
Isinalang na rin umano sa pagtatanong si Ali kaugnay sa naganap na pananakop ng teroristang Maute-ISIS group sa Marawi.
Una nang dinakip ang anak ni Ali na si Marawi City Vice Mayor Arafat Salic kaugnay din ng Marawi siege ngunit pinakawalan ito kalaunan ng Department of Justice.