Davao City – Tumangging magbigay ng pahayag ang ilang tindera sa Agdao Farmer’s Market, Davao City.
Batay sa napabalitang pagkalat ng video sa social media, kung saan ang mga ibinebentang bariles ay pinahiran ng jubos upang magmukhang sariwa.
Sa pagsisiyasat ng Bombo Radyo Team sa ilang mamimili, marami sa kanila ang nagulat dahil hindi nila alam ang nasabing isyu.
Nakatanggap ito ng iba’t- ibang reaksyon at komento, ayon sa isang mamimili, na kung totoo ito, hinding-hindi nila ito bibilhin dahil sa takot na baka sila ay mapahamak ng kanyang pamilya.
Pero ayon sa isang pang mamimili, naintindihan din niya ang bahagi ng mga nagtitinda para na rin hindi ito malugi dahil nagbabayad pa ang mga ito ng renta.
Ayon kay Gerardo Antonio Catsillo, market supervisor III ng Agdao Farmer’s market, matapos makarating sa kanila ang impormasyon tungkol sa video, ipinatawag nila ang nagbebenta at naglabas ng notice of violation.
Ngunit itinanggi ng nagbebenta ang paratang.
Ayon sa opisyal, naglunsad na sila ng imbestigasyon kasama ang Tanggapan ng City Veterinarian – Davao City kaugnay ng insidente at upang makita kung may katotohanan ang kumakalat na video.