-- Advertisements --

Patay ang 88-katao, kasama ang labing isang mga kababaihan at bata dahil sa isinagawang air strike ng Israel sa Northern Gaza nitong Martes.

Ang lumalalang sigalot ay pinangangambahan naman ng United Nations para sa kaligtasan ng 100,000 na mga palestino na kasalukuyang nasa Northern Gaza.

Ikinababahala naman ng mga director sa isang hospital ang hirap ng mga ito na gamutin ang ilang mga nasaktan kasabay narin ng pag-ubos ng mga health workers sa lugar.

Maalalang ilang linggo nang binobomba ng Israel ang Gaza sa paghahanap sa mga militanteng Hamas kung saan napaulat na nag watak-watak ang mga ito simula nang isang taong gera.

Sa datos ng Health Ministry sa Gaza, 70-katao ang nasawi at 23 ang kasalukuyang hinahanap pa sa bayan ng Gaza sa Beit Lahiya.

Inakusahan naman ng Israel ang United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East (UNRWA) na umano’y ginagamit ng mga militanteng Hamas ang pasilidad ng UN bilang shield sa kanilang mga aktibidad.

Nangako naman si Israeli government spokesperson David Mencer na patuloy itong tutulong sa mga naapektuhan sa Gaza.